top of page

Panandaliang Saya, Permanenteng Sakit

Writer's picture: Regina Lucis NewsletterRegina Lucis Newsletter

Bakit kaya tayo pinagtatagpo,

Ng mga taong aalis at lalayo?

Bakit sa walong bilyong nabubuhay sa mundo,

Doon ka mahuhulog sa maling tao?


May mga taong aalis ng walang paalam,

Mga taong mahal mo kahit di nila alam.

Mga taong saya ang gustong maramdaman,

Mga taong oras at atensyon ang inaasam.


Bakit kaya tayo pinagtatagpo,

Ng mga taong sabi mahal ka pero ang bilis sumuko?

Bakit sa walong bilyong nabubuhay sa mundo,

Doon ka mahuhulog sa taong hindi kailanman magiging sayo?


May mga taong dumaan pero hindi nanatili,

Mga taong ipinaglaban mo ngunit hindi ikaw ang pinili.

May mga taong nalunod sa lungkot at pighati,

Mga taong puso ay laging sawi.


Panandaliang saya, permanenteng sakit,

Hindi mo alam ang rason kung bakit.

Sadyang may mga taong kahit anong iyong pilit,

Kahit kailan hindi mo makakamit.


Maria Anna P. Leyte | Regina Lucis College

44 views0 comments

Recent Posts

See All

Waves of Nostalgia

I was about to start a new day, Thoughts followed by suspiration. Why am I here again? Trying to escape this lorn life? I'm here brooding...

Gossip

“Did you know? Shella is pregnant.” “Who told you?” “From Jennifer the gossiper! Gosh, she’s good at gossips especially here in our...

Y.O.U

I am happy to see you everyday, Walking on that hallway. You said "Hi!" and tapped my shoulder. How I wish you're always there. Sometimes...

Comments


Cainta Catholic College
A. Bonifacio Ave. Cainta, Rizal 1900

OFFICIAL REGINA LUCIS NEWSLETTER WEBSITE

  • White Instagram Icon

Connect to us! 

© 2018 BY REGINA LUCIS NEWSLETER | PROUDLY CREATED WITH WIX.COM

bottom of page