Bakit masarap ang bawal?
- Regina Lucis Newsletter
- May 2, 2018
- 1 min read
Bawal na pagibig?
Bawal na gamot?
Mga tanong ng bibig,
Hindi ko alam ang sagot.
Sa pag ibig bawal ang tatlo,
Sa tricycle bawal ang walo.
Sa eskwelaha'y bawal ang bisyo,
Sa kalsada bawal ang sigarilyo.
Bawal ang kulang,
Bawal ang sobra.
Bawal ang sumuko,
Kahit pagod kana.
Sa buhay bawal sumaya,
Sa exam bawal mangopya.
Sa pagkain bawal sumobra,
Sa bansa bawal ang droga.
Bakit nga ba masarap ang bawal?
Hindi natin mapigilan, pilit na sumusugal.
Mundo'y mapaglaro't bumibilis, bumabagal,
Tukso'y nariyan ikaw ba'y tatagal?
Ngunit ano mang bawal ang ginagawa mo,
Ang importante ay walang natatapakang tao.
Ang mundo natin ay puno ng tukso
Gamitin ang puso't utak mo.
Maria Anna P. Leyte | Regina Lucis College
Comments